Tuloy ka sa aking munting tahanan! Maligayang pagbisita. Ako ay nagagalak na napadaan ka. Ang blog na ito ay alay ko para sa mga kapwa ko single. Hindi lang naman sa mga pareho kong bokya sa lovelife. So long as hindi ka pa nagpapabago ng marital status mo sa papel man o sa harap ng Diyos, kung naniniwala ka na ang pagiging single ay panahon para paghandaan ang mga susunod na taon sa buhay mo; for sure makaka-relate ka sa blog na ito! Gustuhin mo mang makapagasawa o hindi, alam ko na hindi mo naman gugustuhing ilang taon mula ngayon ay frustrated ka pa rin sa pakiramdam na walang direksyon ang life mo. Bukod dun, syempre dapat nagi-enjoy din di ba? Habang ako ay nagsisikap na matuto at magbago para sa ikakukulay ng buhay, why not share me your thoughts and ideas di ba? Masaya itong journey na ito! ^_^
Career at Hindi lang Trabaho
September 6, 2009 / Category: Karera sa Buhay / 15 Comments

Magli-limang taon na ako sa trabaho ko ngayon. Kumbaga sa college student, irregular na ako.

Hindi posisyon ang pamantayan ko kung paano ko nasasabing successful ang isang tao sa career na kinuha niya. Pero kapag may family reunions, iba-iba ang bida. Ang pinsan mo, ibibida na kapitan na sa barko ang anak niya. Ang isang tiyahin mo, sa customs na daw ang kanyang babaeng anak at ipagmamalaki pa na maraming nakukulimbat.  Tuwang-tuwa pa tayong magkwento sa mga katsikahan na ang ating kapamilya ay na-promote kasi malakas magpapogi sa taas. Saan ka pa? Nasa Pilipinas ka eh! Ganyan talaga.

Nitong mga nakaraang buwan ay nakapag-decide na ako na tatapusin na ang pagtitiis sa aking kasalukuyang trabaho. Don’t get me wrong ha. Nagpapasalamat ako sa Lord for giving me a job na malaki ang naitulong sa akin at sa aking pamilya. Naniniwala lang ako na hindi will ng Diyos na mag-stay ka lang sa comfort zone mo habang hindi mo nagagamit nang husto ang mga talentong ibinigay Niya sa’yo at hindi mo rin napapalago. Hinahayaan mo na lang maalikabukan kasi akala mo hindi ka marunong makuntento kung lilisanin mo ang blessing sa’yo. Hindi ba blessing din kung makahanap ka ng bagong trabaho?

Isang malaking factor ngayon kung bakit takot ang tao ay dahil sa recession, kesyo mahirap maghanap ng trabaho at matindi ang kumpetisyon. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala dito. Maraming trabaho. Ang problema, either hindi tayo qualified o sadyang hindi lang para sa atin ang trabaho.

Dahil sa desisyon ko na mukhang wala nang atrasan (gumana na naman ang pagiging risk-taker ko), hindi pwedeng walang plano-plano at paghahanda yan. Para kasi akong sundalo na sinisigurong maayos ang lahat bago sumugod sa giyera. At ano nga ba ang mga preparasyon na ginagawa at nagawa ko na sa ngayon?

Heto:

1. Mag-review at Mag-aral. Although kasunod nito ang mahaba-habang pagtulog dahil inantok, sinisikap ko na balikan ang lahat ng mga napag-aralan ko noon pa lang. At syempre, importante na malaman ko rin kung ano ang mga bagong bagay para hindi tuluyang maging obsolete. Kumbaga dapat ka pa rin mag-upgrade at hindi excuse ang ilang taon na stagnant ang knowledge mo at experience. Hindi dapat minamadali pero hindi rin dapat babagal-bagal.

2. Personality Test. Sa aking blog post na Personality Test, Anyone? nabanggit ko na isa akong ENFP. At sa pamamagitan nito, nalaman ko ang mga kalakasan at kahinaan ko. Ilan sa mga ito ay aware naman na ako pero hindi ko lang mabigyan ng pangalan. So magandang makapag-take ng personality test para less compromising kapag naghahanap ka ng trabaho. Hindi mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa isang posisyon na against sa personalidad mo para hindi ka mag-suffer sa huli at ma-enjoy mo na rin ang mga responsibilidad na ibibigay sa’yo. Ganun din, pwede mong banggitin ang mga ito sa iyong job interviews. Syempre kung ang trabaho mo ay fit sa personality mo, ang strengths mo ay magiging contribution sa kumpanya samantalang hindi magiging sagabal ang mga weaknesses mo para gampanan ang iyong trabaho.

3. Kamustahin ang Skills. Ilan sa mga ito ay natutunan at na-realize kong meron ako nung high school at college days pa. Pero syempre, hindi rin pwedeng mawala ang mga skills na na-acquire mo when you started working. Brainstorming ito kasi hindi naman siguro natin gugustuhing masayang ang mga God-given talents natin. Nililista ko ito sa aking journal para malaman kung paano ko maibebenta ang aking sarili sa mga target jobs ko in future.

4. Ano nga ba ang Aking mga Interests? Sabi sa Encarta ang salitang interest daw ay nangangahulugang: something that somebody enjoys doing. Dito minsan, hindi kailangan ng skills para mabuhay ang curiousity mo sa isang bagay. Pwedeng ang ating mga kakayahan ay maging resulta na lamang ng ating mga interes. Kasama ito sa mga kailangan kong pagisipan at ipunin. Importante kasing malaman natin kung ano yung mga posibleng pagkakataon na open tayo for involvements. Sa ganun, aware tayo sa mga bagay na pwedeng maging passion pala natin in the end. Nagsimula ang passion ko sa web design noong kolehiyo ako. Nung mga panahon na na-curious ako kung paano nagagawa ang mga websites. Ang ginawa ko, pinagpira-piraso ko ang coding ng Yahoo! main page at ayun! Nagtuloy-tuloy na ang aking kagustuhan na pag-aralan ito.

5. Values. Ano nga ba ang mga bagay na may pagpapahalaga ako? Yung mga bagay na hindi ko basta-bastang babalewalain para kumita lang ng salapi? Kaya marami sa atin ang hindi nagiging masaya at lubusang nakukuntento ay dahil sa minsan kahit labag na sa ating loob, sige pa rin tayo. Kasi kikita tayo ng bonggang-bongga eh. Ang tanong, payapa ba tayo at masaya talaga? Kung sobra ang pagpapahalaga mo sa iyong kalusugan at tingin mo ay hindi ito maaayos kung graveyard shift ka, eh bakit apply ka pa rin nang apply sa mga call centers? Kung may pagpapahalaga ka sa turo ng iyong inang na irespeto ang batas at panatilihin ang iyong prinsipyo na ipinamana pa ng iyong mga lolo at lola, bakit ka nagda-drive ng colorum na sasakyan? Simpleng pagpapahalaga sa iyong moral pero kadalasan nababalewala. Sabi nga ni pareng Roy Disney, “It’s not hard to make decisions when you know what your values are.”

Nakausap ko ang isang classmate sa high school. Sabi niya sa akin (paraphrased), kaya raw maraming mga professional jobs ang bakante ay dahil nagse-settle na lamang tayo sa mga trabahong malaki ang pay pero hindi naman talaga nagagamit ang ating mga talento.

Ang point kung bakit ko naibahagi ang mga nasa itaas ay para kahit minsan, masubukan naman nating magkaroon ng self-reflection. Isang beses lang tayo mabubuhay, hindi pa tayo naging masaya sa career na ating nakuha.

Tandaan: Nawawala ang posisyon o ang titulo mo sa isang kumpanya o organisasyon. Pwedeng manager ka ngayon, bukas babakantehin yan. Depende sa topak ng management. Masakit man sabihin pero may pake sila sa career growth mo kasi asset ka. Kapag dumating ang panahong redundant na ang position mo, hindi yan mangingiming tsugihin ka.

Ano bang plano mo? Umpisahan mo nang mag-isip at kumilos. Bigyan ng sapat na panahon upang magkaroon ng pagbabago sa sarili mo.

Image from: Getty Images

Tagged: , , ,
Panalangin ng Pasasalamat
August 31, 2009 / Category: Buhay Kristiyano / 8 Comments

Dear Papa God,

Alam Niyo po ba, sobrang masaya ako ngayon! Oo nga po pala, wala naman po akong maililihim sa Inyo eh, so alam kong batid Ninyo ang kalagayan ng puso ko. Nagugulat po talaga ako sa mga ginagawa Ninyo sa buhay ko. Papa God, pa-embrace naman po!

Naalala Niyo po ba last July? Nung muntik na pong mag-crash ang 16 wheeler truck na iyon sa jeep na sinasakyan ko patungong church? Segundo lang po Papa God, wala na po sana ako ngayon. Kita naman po natin, September na bukas. At salamat sa patuloy Ninyong pagsama sa akin. Kahit nasaan po ako, alam kong nasa mabuting Kamay ako. Papa God, pa-embrace po ulit!

Ilang beses na nga po ba akong umiyak sa Inyo? Maraming sitwasyon sa buhay ko ang hindi ko na nagawang kontrolin at sobrang nasaktan ako. But You have proven again Your faithfulness, Papa God. At ngayon po, magaling na ang mga sugat ko. Makakalipad na ulit ako! Handa na po ulit sa mga susunod na pagsubok. Papa God, Kayo ang kalakasan ko.  Pwede isa pa pong embrace?

Sa paglipad, pagtakbo, paglakad at paghinto na gagawin ko, sana ipaalala Ninyo sa akin kung sino Kayo at sino ako. Papa God, bigyan po Ninyo ako lagi ng humble heart. Kasi wala akong kayang ipagmalaki. Lahat ng meron ako; ang buong buhay at kalakasan ko ay galing lahat sa Inyo.

Papa God, hihirit lang po. Lagi Niyo pong ingatan at bigyan ng kalakasan at pag-asa ang pamilya ko at ang iba pang mga mahal ko sa buhay. Pati na rin ang mga nagbabasa ng blog na ito ^_^. Let us find strength in You and teach us at all times to trust Your plans for our lives. And Papa God, sana approve sa inyo ang mga plano ko sa mga susunod na araw, buwan at taon. Nakalapis pa lang po, open for revision Papa God.  Kung may tingin po Kayo na hindi makabubuti para sa akin, paki-erase na lang po. Tapos pakipalitan na lang gamit ang ballpen Ninyo. At paki-sign na lang sa gawing baba!

Papa God, ngayon ko lang napagisip-isip. Mabuti na lamang po at hindi lahat ng mga ikinukulit ko sa Inyo before ay ibinigay Ninyo sa akin. Kung nagkataon, wala po sana ako dito ngayon. Higit na maganda po ang mga plano Ninyo para sa akin kung ikukumpara sa mga gusto ko lamang pong makamit.

Muli po Papa God, salamat! Kahit anong sabihin at gawin ko, alam ko na kulang po ang mga ito para ibalik sa Inyo ang lahat. Nawa’y tanggapin Ninyo ang mga mumunting bagay na nagagawa ko para sa Inyong dakilang Pangalan.

Malapit na pong matapos ang taon. Nai-excite po ako kasi alam kong maraming mga bagay ang darating. Hindi magiging madali ang lahat pero alam kong walang impossible sa Inyo, Papa God! Mahal ko po Kayo! ^_^

Mula sa Magta-tatlong Taong Gulang Ninyong Anak,
Mishie

PS: Lapit na po ang election. Wag naman po sanang pa-poging presidente na naman ang iboboto ng sambayanang Pilipino.

Tagged: , , ,
Can’t Hurry Love
August 14, 2009 / Category: Love Life / 15 Comments

Isang araw, aliw na aliw kang nagchi-check ng profile mo sa Facebook habang nagiisip kung ano ang magiging status message mo sa mga oras na yon nang walang anu-ano’y biglang may nag-pop na message mula sa isang friend mo. Hindi mo maalala kung paano kayo naging connected pero dahil cute siya sa profile pic, sige at nag-reply ka na rin sa kanyang unang pagbati. After few days ng chat, niyaya ka niyang lumabas. Pumayag ka naman kasi napalitan na ang kanyang profile pic at parang mas cute pa siya doon. Nasundan ang inyong eyeball ng dates. Bukod dun, madalas na kayong magusap hindi lang sa Facebook; textmates na rin kayo at tumatawag na rin siya sa office. Sa mga nangyayari, hindi mo napapansin na nahuhulog na ang loob mo sa kanya… Malinaw na sa’yo na boyfriend material nga siya.

Pero teka… Preno muna. Wala pang dalawang buwan nung una kang maging aware na tao pala siya.

Ito po ay hindi hango sa totoong kaganapan partikular sa buhay ko. Zero pa rin ang lovelife ko. Pero minsan ba nakita mo ang sarili mo sa halos hawig na sitwasyon?

Rushing into love… Intimacy impatience… The more na nagmamadali tayo, the more pain and possibility ng rejection at disappointment ang nakukuha natin sa huli. Anuman ang dahilan, na-realize ko na ang pag-ibig ay hindi parang isang pelikula na sa dalawang oras lang ay they-live-happily-ever-after na agad.

Maaaring may maka-relate at pwede rin namang hindi ito applicable sa iba. Share ko lang ang mga dahilan kung bakit hindi natin dapat minamadali ang love na yan.

1. Para makaiwas na sobrang makasakit at masaktan. Pain is inevitable, andun na tayo. Pero aminin naman natin, may mga sakit na pwede naman pala nating maiwasan kung hinay-hinay lang tayo. Lalo na kung ma-feel natin along the way na hindi pa pala tayo ready mag-commit or may mga nakikita tayong sitwasyon na alam natin na hindi makabubuti dun sa taong may care tayo. Pwede rin naman na nararamdaman mong parang gagawin ka lang na alalay ng suitor or nililigawan mo. O eh di kung makapag-decide ka na wag na lang ituloy sa next level, walang sobrang asahan na naganap! Lesser guilt and regrets pa.

2. Higit na magkakilanlan. I-enjoy lang ang mga sandali na unti-unti ninyong kinikilala ang isa’t-isa. Mas maganda kung inuumpisahan na rin ninyong bumuo ng magandang foundation: syempre, friendship! Hindi mo kelangan maglabas ng questionnaire at mag-conduct ng interview. Ang tendency kasi, mas madaling ma-built up natin ang ating mga sarili sa taong interesado tayo kung dadaanin sa question and answer portion. Try mong basahin siya sa kanyang mga kilos. Like example, sa resto. Paano siya makitungo sa waiter or waitress? Kamusta ang pasensya niya? Magalang ba siya sa mga nakatatanda? Masipag nga ba talaga siya gaya ng palaging sinasabi niya? Mas maganda ang result kung magi-exert ka ng effort at magtityaga na kilalanin siya nang medyo mahaba-habang panahon.

3. Mai-align ang anumang desisyon sa iyong personal values at kung ano ang tama sa pananaw mo. Eto. Minsan kapag sobrang gusto natin ang tao, kahit na sabihin niyang tumalon tayo sa tulay or maglason, handa nating gawin para sa kanya. Kahit na labag pala sa kalooban natin ang mag-suicide. Madalas tayong magkaroon ng regrets at galit sa nang-iwan sa atin kapag pakiramdam natin ay ginawa natin ang lahat just to please him/her. Nilunok na ang pride, binigay ang lahat pero napunta lang sa wala. Stick with your values at wag mong karirin ang pagbabago ng iyong mga pananaw sa buhay dahil lang iba ang takbo ng pagiisip niya at feeling mo kelangan ninyong mag-meet sa bagay na yan. Big fan ako ng isang taong  naninindigan sa mga bagay napinahahalagahan niya kahit pa walang makaintindi sa kanya.

4. To pray and ask God if it’s truly His will. Nagagawa mo ngang maipagdasal ang iyong board exam, at bakit hindi mo mailapit sa Diyos ang iyong magiging ka-partner sa buhay? Yun eh kung gusto mong may makasama. Ibang usapan na kung trip mong maging single na lang. Kahit board exam na lang ni Maria o ni Juan ang ipag-pray mo. Pero kung napupusuan mo si Pedro, hingin mo ang say ng Lord. Hindi pwedeng walang sagot. Meron yun. Ang sagot lang naman diyan ay: oo, later or hindi. Buksan lang ang iyong isipan sa mga signs or else baka ma-mislead ka sa pag-aakalang si Pedro na nga pero si Pablo naman pala ang bet Niya.

5. Discern what’s best for both of you. Makatutulong ba para sa inyong dalawa na i-take sa higher level ang relationship ninyo o mas mabuting maging friends na lang kayo? Kahit na gaano mo kamahal ang isang tao, kung sa tingin mo ay hindi magiging mabuti sa kanya na mag-level up kayo, then let it go.  Tanggapin natin na minsan, hindi tayo fit para maging boyfriend/girlfriend ng taong gustong-gusto natin. Ganun din naman kung makapag-decide kayo na mag-commit in a deeper sense, wag nang magpakipot kung “Go” naman na ang signal ng mga sitwasyon para sa inyo. Ibig sabihin lang, confident ka na rin na kaya mong ma-meet ang needs ng partner mo at may tiwala ka na rin sa kanya so go na kayo!

6.  Ma-enjoy ang inyong pagsasama with true Love and genuine desire to be committed. Kelangan ko pa bang i-explain ito? Ang isang relasyon na nahinog ng panahon ay may higit na magagandang bunga. It will always show. People will look up to you at sasabihin, “ang swerte naman nila sa isa’t-isa. Sana ganyan din kami ng honey ko…”

Sabi nga sa nabasa ko, wisdom is knowing what to do next. Kung nag-work sa buhay mo ang madaliang pagdedesisyon, panalo ka. Pero kung ilang beses ka nang nadapa sa tulin ng takbo mo, baka naman hindi mo na tinitingnan ang daan? We can’t hurry love. Wag mong sobrang pahirapan ang puso mo sa kung ano lang ang kaya niyang dalhin sa bawat nagdaraang panahon.

Tagged: , ,
Hello Gym!
August 2, 2009 / Category: Kalusugan / 12 Comments

Wag ka, first day ko sa gym kahapon. Ako po ay nag-enroll sa isa sa kilala nang gym club. Ang lakas pa ng loob ko kahit walang kasama. Sabi ng iba, dapat daw may kasama ako para hindi ako tamarin. Pero I doubt kung magwo-work yun. Kasi kung tatamarin ako, tatamarin talaga ako. Walang ibang makakapag-motivate sa akin. Mas pinili kong magisa para focus ako sa goal ko. Bago man lang ang kasal ng isang kaibigan ay preparado ako para sa dress ko. Pero bukod dun, naisulat ko ito sa isa sa mga goal ko for 2009. Hindi ko rin inakala na magkakaroon ng katuparan. Astig.

Ayokong sayangin ang pagkakataon na ibahagi sa inyo ang unang araw ko.  Baka lang sa pagbabasa ninyo ay ma-encourage din kayo para may kasama ako at ire-refer ko na rin ang PT na nag-assist sa akin. Joke lang. Syempre gusto ko pa rin magisa sa gym so kung trip ninyong makigaya at magpaka-conscious sa health, try ninyong maghanap ng pinaka-accessible na gym para sa inyo.

Unang napansin ko ang locker room. Bongga. May mga tambay na medyo may mga edad nang mga kababaihan. Na-imagine ko tuloy yung mga napapanood ko sa mga movies na grupo ng mga babae na magti-trip sa baguhan. Itutulak sa may salamin at babantaan.  Pero salamat naman at walang ganun. Baka bigla na lang akong umiyak habang binibigay sa kanila ang mga gamit ko. At next time ay pagbabaunan ko na sila ng sandwich para maging ka-close ko. Naghihintay sila na mag-start ang aerobics class. Gusto ko sanang subukan pero dun na lang muna ako sa mga equipments habang may naga-assist pa sa akin.

Na-meet ko ang PT na si RJ. Nag-request ako nung Biyernes na hangga’t maaari ay babae na lang sana. Lalake ang binigay sa akin. Dyahe naman kasi eh. Alam ko naman na bubungisngis lang ako habang mali-mali sa mga pwedeng ituro. Pero ayos na rin. Hindi naman mukhang intimidating si RJ (Ilang beses niyang tinanong kung anong name niya. Kasama siguro yun sa self-promotion niya just in case meron akong mahahatak na kaibigan). Ayun, kinuha ang mga detalye sa akin tulad ng timbang, height at fat. Ayos naman daw ako. Medyo trim na lang. Nagulantang nga si ate na kumuha ng vital stats ko. 26 ang baywang ko! Cool!

Isa-isang tinuro ni RJ ang tamang paggamit sa mga equipments. Sa lahat, ang tanging naaalala ko ang katawagan ay ang sikat na sikat na threadmill. Yung iba, makikilala ko na lang sa pagdaan ng panahon. Sabi ko nga baka makalimutan ko ang mga turo niya. Naisulat naman daw niya. Ang problema makakalimutin talaga ako sa mga instructions. So baka pag wala nang mag-assist sa akin, sa threadmill na lang ako.

Nasubukan ko rin ang dumbbells. Hindi ko alam na normal lang na hindi ko magawa nang maayos pa ito sa umpisa dahil syempre sa weights pero kung magtagal ako at hindi ko pa rin magawa ng tama, nakakatawa na ako.

Para sa akin carry pa ang dumbbells. Ang pinakamadugo sa lahat ay ang abs workout. Naloka ako. Pinakamasakit na parte ito ngayon ng katawan ko. Pinagawa sa akin ang sit-ups,  oblique at yung isa na iri-raise ko ang straight legs ko going upward. 15 repititions, Tig-3 sets… So 45 repititions ang bawat isa dyan. Hindi tuloy ako makabahing at makaubo nang malakas ngayon kasi ramdam ko ang sakit ng muscles ko sa tyan.

Nag-enjoy ako in fairness. At lalo akong nasasabik na bumalik sa gym. Wais ang naging desisyon ko na dun ako mag-enroll kasi hindi marami ang tao, malapit sa bahay, sa church at isang sakay lang papunta sa opisina. Sa sobrang katuwaan ko ay nag-threadmill na lang ako bago umuwi.

Hindi naman ako mataba. Tinatanong nga ako kung bakit pa ako maggi-gym. Hindi naman yun ang kaso eh. Hindi rin naman dahil kagagaling ko lang sa breakup noh! Well, siguro dahil na rin mas may time ako para sa sarili ko at sabi ko nga, kasama ito sa plano ko ngayong taon. Buong buhay ko, hindi ako nahilig sa ehersisyo na sa panahon ngayon ay kailangan naman talaga natin. Lalo pa’t bahay-opisina at bisyo na lang ang alam nating lifestyle. Try namang maging gym buff at health conscious di ba? ^_^

Images From: Corbis and JZ Artworks Blog

Tagged: , , , ,
Puno ng Pag-asa
July 27, 2009 / Category: Voluntary Works / 10 Comments

Nitong nagdaang Sabado ay napasabit ako sa Tree Planting activity ng aming opisina sa Norzagaray, Bulacan. Matagal ko nang gustong ma-involve sa kung anu-anong activity sa loob ng aming kumpanya pero madalas akong bigo dahil wala akong kaayos-ayos sa mga gusto kong gawin. Pero dahil natututo na nga akong balansehin ang aking buhay (salamat sa aking journal at notebook),  wagi ako sa pagkakaroon na naman ng isang simple pero nakatutuwang experience na walang kinalaman sa lovelife at trabaho.

Kahit isang oras lang ang tulog ko at medyo nakipag-kwentuhan pa sa mga new found friends ko sa Dubai nung madaling-araw, hindi rin naman ako nawalan ng lakas para umakyat sa bundok at makapagtanim ng anim na halaman. Syempre tatanungin ng iba kung bakit yun lang ang naitanim ko. Nagtanong ako sa ibang mga napasama at ganun din halos ang bilang ng sa kanila.

Napasama ako sa Group D na nung una ay parang napakarami namin galing sa ibaba pero nung makarating kami sa aming destinasyon ay parang nabawasan na kami. Hindi naman kataasan ang inakyat namin. Pero dahil marami ang first time na aakyat at hindi preparado sa gamit, medyo may mga nahirapan pero wala namang nasaktan at sabi nga ni miss Ria, wala daw ngayong sagutan ng pagsigaw dahil sa pagkakadulas hindi tulad nung nakaraang tree planting na nasamahan niya.

Sa totoo lang, kung ikukumpara kami sa ibang mga grupo na aakyat, mukha kaming mga high school na trip mag-P.E. class sa itaas. Pwedeng-pwede mag-aerobics pero syempre hindi kami na-imbyerna sa iba. Gusto naming maging enjoyable at lively ang aming simpleng trip na ito. At salamat sa ilang mga ka-officemates at naging makulit din ang aming pagakyat at pagbaba sa bundok. Hindi ko makakalimutan ang sandaling kumanta ng May Bukas pa si Ebok gamit ang megaphone.

Walang masyadong larawan. Mahirap kasing may dalang gamit habang umaakyat at bumababa. Well nagamit ko ang cellphone ko pero ngayon ay nagloko na naman ulit at kailangang ibalik na naman sa service center. Mas may mga magagandang kuha pa naman dun.

At syempre, natutuwa akong nakasama ko muli ang mga ex-retailers! ^_^

Tagged: , , ,
Personality Test, Anyone?
July 22, 2009 / Category: Kilalanin ang Sarili / 3 Comments

Likas na mahilig kumuha ng personality tests ang mga Pinoy. Sa katagalan ng pagtitig ko sa Home page ng Facebook, napansin ko na halos lahat ng mga kaibigan kong Pinoy kumpara sa ibang mga lahi ang pumapatol sa mga ganitong quiz kahit na puro kalokohan lang ang mga tanong at hindi binase sa pag-aaral. Siguro boredom nga lang. Pero minsan pag sumakto sa atin ang result, “oo nga” naman tayo.

May nakilala akong mag-ina na nagaral at gumawa ng personality test noong panahon ng World War II sa paniniwalang makakatulong na malaman ng mga kababaihan kung ano ang kanilang personalidad para sa pagpili ng war-time job na magiging epektibo at kumportable sila. Si Isabel Briggs Myers ay isang psychological theorist na libangan basahin ang mga libro ng psychiatrist na si Carl Jung na idol naman si Sigmund Freud. O di ba? Parang si Mish lang na fan ng Spice Girls na gustong sundan ang yapak nila na makapag-asawa.

So balik tayo kay Isabel Briggs Myers. Ang nanay niya na si Katharine Cook Briggs ang kanyang naging kachokaran sa mga frustrations niya sa paggawa ng personality test na tinawag na Myers-Briggs Type Indicator. Base dito, may 16 na possibleng klase ng personalidad.

Sinubukan ko ito noong mga panahon na sawa na ako sa Friendster at hindi ko pa alam ang Facebook. Hindi po yun ang eksaktong questionnaire na ginawa ng mag-ina pero binase naman po ang mga tanong at resulta sa nasabing psychometric test.

Ako daw ay isang E.N.F.P. (Extraverted, iNtuitive, Feeling, Perceiving). Pwede mo rin sabihin na ako’y isang advocate, champion at visionary. Sa ibaba ang ilan sa mga deskripsyon sa akin na natuwa ako. Mamaya na yung mga hindi kaaya-aya na totoo naman. Baka sabihin ninyo na unfair ako.

Click to view my Personality Profile page

  • ENFPs are warm, enthusiastic people, typically very bright and full of potential. Their enthusiasm lends them the ability to inspire and motivate others.
  • To onlookers, the ENFP may seem directionless and without purpose, but ENFPs are actually quite consistent, in that they have a strong sense of values which they live with throughout their lives.
  • Once an ENFP has learned to balance their need to be true to themselves with their need for acceptance, they excel at bringing out the best in others, and are typically well-liked. They have an exceptional ability to intuitively understand a person after a very short period of time, and use their intuition and flexibility to relate to others on their own level.
  • ENFPs are basically happy people. They may become unhappy when they are confined to strict schedules or mundane tasks. Consequently, ENFPs work best in situations where they have a lot of flexibility, and where they can work with people and ideas.
  • ENFPs are charming, ingenuous, risk-taking, sensitive, people-oriented individuals.
  • They see life as an exciting drama, pregnant with possibilities for both good and evil, and they want to experience all the meaningful events and fascinating people in the world.
  • Champions can be tireless in talking with others, like fountains that bubble and splash, spilling over their own words to get it all out. And usually this is not simple storytelling; Champions often speak (or write) in the hope of revealing some truth about human experience, or of motivating others with their powerful convictions. Their strong drive to speak out on issues and events, along with their boundless enthusiasm and natural talent with language, makes them the most vivacious and inspiring of all the types.
  • Champions strive toward a kind of personal authenticity, and this intention always to be themselves is usually quite attractive to others.
  • Champions are positive, exuberant people, and often their confidence in the goodness of life and of human nature makes good things happen.
  • ENFPs are often charismatic leaders who are able to help people see the possibilities beyond themselves and their current realities. They function as catalysts.
  • ENFPs take their commitments very seriously, and are generally deeply loyal and faithful to their partners (ahem, ahem, uubo lang po).
  • The ENFP needs to be given positive assurance and affirmation. More than one ENFP has been known to “go fishing” for compliments. They like to hear from their significant others that they are loved and valued, and are willing and eager to return the favor. They enjoy lavishing love and affection on their mates, and are creative and energetic in their efforts to please. The ENFP gets a lot of their personal satisfaction from observing the happiness of others, and so is generally determined to please and serve their partners.

Ito naman ang ilan sa mga weakness ko na medyo totoo (buti na lang maiksi):

  • Tendency to be smothering
  • Their enthusiasm may lead them to be unrealistic
  • Uninterested in dealing with “mundane” matters such as cleaning, paying bills, etc.
  • Hold onto bad relationships long after they’ve turned bad
  • Extreme dislike of conflict
  • Extreme dislike of criticism
  • Don’t pay attention to their own needs
  • Constant quest for the perfect relationship may make them change relationships frequently
  • May become bored easily
  • Have difficulty scolding or punishing others

Ilan sa mga sikat na personalidad na kagaya ko ay sina Alicia Silverstone, Sandra Bullock, Robin Williams, Mark Twain at Charles Dickens. Sa fictional characters naman ay si Ariel as in si Little Mermaid.

Basahin niyo man o hindi ang personalidad ko, walang kaso. Kung gusto ninyong subukan, punta kayo sa site na ito: MyPersonality.info

Tagged: ,
Rainshower and Thunderstorm
July 18, 2009 / Category: Mga Pangarap sa Buhay / 10 Comments

Kuha habang nasa bus papasok sa opisina. Walang magawa.

Ako ang tipo ng tao na gusto ang tag-ulan dahil malamig at masarap magmuni-muni. Pero wag naman pag papasok ng office, lalakad galing MRT station papunta sa aming building. Hindi yun. Yung tipong nasa tapat ka ng bintana; tulala while sipping a cup of hot chocolate. At kung ano-ano na ang maiisip mo.

Hindi ko alam kung anong epekto ng malakas na pagulan kahapon sa inyo. Pero para sa akin, moment ko para isipin kung ano ang mga gagawin ko bago matapos ang taon at sa pagpasok ng 2010. Napapangiti ako habang iniisip na may mga nagagawa na ako sa mga planong iyon.

Panahon na talaga ng pagseseryoso. Lumilipas ang mga araw. Para sa akin, hindi baleng paunti-unti lang ang pagusad, basta may natatapos at nagagawa. Sinusulat ko na ngayon lahat ng mga kailangan kong tapusin at chini-check kapag okay na. Maganda kasi pag may listahan ka para alam mo ang progress mo at saan ka pupunta.

Masarap sa pakiramdam kapag buo na ang loob mong gawin ang mga bagay na alam mong makakatulong sa’yo sa darating na mga taon. Masayang mag-plano at gumawa ng mga hakbang para masabing naggo-grow ka as an individual. Sa totoo lang, marami akong plano. Pero ngayon ang panahon para magsipag at magtiyaga. 2010 na next year o! Ayokong matapos ang taon na parehong challenges pa rin tulad ng pagpasok ng 2009 ang haharapin ko.

Ang saya mangarap kapag tag-ulan. Pero sana hindi tulad ng tag-ulan na pag dumaan ay nakakalimutan na dahil parang ordinaryong bagay na lang na lagi mong nararanasan. Wag naman sanang ganun lang kababaw ang pagtingin sa pangarap. I strongly believe na susi ito para buksan mo ang napakaraming oportunidad sa buhay mo. Sa mga pangarap na meron tayo, dapat may nabubuo ding plano. Kahit ano pa yan… Umpisahan mo nang isulat ang mga plano mo at subukang kumilos sa bawat araw na regalo sa’yo.

Gusto ko ulit ng hot chocolate. Pero mas masarap yung version sa office eh. Naisip ko sa susunod na magka-boyfriend ako, try naman naming terms of endearment ang Rainshower at Thunderstorm…. Pero parang pangalan ng mga kabayong pang-karera di ba? Parang wag na lang.

Tagged: , ,
Ang Simula ng Mahabang Kwento
July 14, 2009 / Category: Love Life / 4 Comments

Image from Website

Uunahan ko na kayong lahat bago pa umandar ang isip ninyo sa kakaisip kung bakit nabuo ang blog na ito. Oo, broken-hearted ako. Isang buwan pa lang ang nakakalipas nang magpasya ang boyfriend ko na makipag-break  sa akin sa maraming rason. Valid naman. Wag niyo na nga lang tanungin.  Parang cool off lang nung una eh. Pero natuluyan na dahil sa mga konting kabobohan ko na rin. So ayun nga, natapos kami na parang gumuho ang lahat at hindi ko alam kung saang direksyon ako papunta. Alam naman siguro ng marami kung paano yun di ba? Blangko ang utak ko… Pero syempre, sandali lang yun. Hindi ako papayag na masira ang diskarte ko dahil lang sa palpak ang love life ko… For the Nth time.

Nagpasya ako na balikan ang mga bagay na iniwan kong hindi tapos. Katulad ng plano kong mag-blog at ituloy ang pag-aaral sa web design at development. Nung “in a relationship” pa kasi ang status ko sa Friendster at Facebook, nahirapan akong ayusin ang schedule ko. Isama pa yung naiwan kong responsibilidad sa church ministry na pinagkatiwala sa akin. So ilang buwan na naging priority ang love life, na-delay naman ang ibang mga plano ko.

Don’t get me wrong. In good terms kami ng ex ko nung naghiwalay kami. At hanggang ngayon, masasabi ko na wala ako ni katiting na galit sa kanya at siya rin naman sa akin. Pramis. Nung mga panahon na “kami”, hindi siya nag-demand ng oras sa akin. Pero alam niyo naman ang pakiramdam ng blinded ng emosyon di ba? Ibibigay mo lahat sa isang bagay na iniisip mong pinakamagandang nangyayari sa buhay mo. Nagfi-fade ang background. Nakakalimutan mo na yung mga bagay na dapat palang ayusin at tapusin. At dahil long distance ang relationship (oo, mas kumplikado), pakiramdam niyo na mas kailangan mag-spend ng time madalas para hindi madiskaril ang iniingatang pagtitinginan.

Wala akong pinagsisisihan ha! *Sa puntong ito magpi-play sa background ang kantang I’d still Say Yes. Bahala na kayo kung kaninong version.* Kung ayos lang ang lahat, baka naging madali ito para sa aming dalawa. Wala rin lang namang choice so looking at the bright side of life ang drama ko ngayon. Well kahit naman sa mga pelikula at telenovela, maraming pagsubok para sa dalawang taong nagmamahalan. At hindi pa rin pare-pareho ang sitwasyon ng lahat para ikumpara ang endurance ng isang tao sa isa pa. Kung may bibigay, ganun talaga! Naramdaman lang namin na hindi pa tamang oras at hindi pwedeng ipilit ang mga bagay-bagay. Panahon na rin lang ang makapagsasabi kung saan mauuwi ang lahat.

Masakit pero hindi ngayon ang time para magmukmok. Wala akong matinong ipon. Hindi na rin ako masaya sa trabaho ko. Kung magpapaka-idle pa ako at mago-over break, saan ako pupulutin bukas? Kung iiyakan ko na lang ito, mauubos lang ang luha ko. Umuusad ang oras. Pag naiwan ako, sino bang talo?

Mahirap tingnan ang future lalo na’t naiisip mo pa rin na mas masaya sana kung andyan si ex. At minsan tinatanong ko na rin kung magkikita pa ba kami. Pero ito yung direksyon na pinili namin. Syempre ako, walang choice. Ganun pa man, alam ko na sa dulo nito ay may magandang bagay para sa akin. Sa bright side na lang ako titingin. Malay naman natin kung anong pwedeng mangyari sa mga susunod na araw di ba?

Ganun na nga. Walang lovelife. Broken-hearted pero tuloy ang buhay.

Tagged: ,
Wait for the Lord; be strong and take heart and wait for the Lord." - Psalm 27:14